YAMAN Feeds with Lugaw Patrol

Masayang paglalakbay sa gilid ng Aliw Theater. At pambihira.

Simulan ko na ang kwento. Nakalimutan ko ang date pero sometime last month yun. Inumpisahan namin ng panalangin ang outreach. Mula sa kusina ng Folk Arts, idinalangin namin ang misyong gagawin sa hapong yaon. Hinati kami sa dalawang grupo. napabilang ako sa grupong magpapakain sa mga bata at hndi na bata sa gilid ng Aliw Theater.

picture picture muna bago umalis















Masayang sinalubong kami ng mga beneficiaries. At nakakagulat. May nagwawala. Gustong ipahubad ng isang mama ang damit ng isang kasama dahil lang taga Day by Day kami at ang suot niang tshirt ay sa ibang church. Ang sabi namin, ok lang nman na suot nia yun. walang problema.

pero nagkainitan sila. nagbunutan ng ice-pick, nagtutukan. ang buong akala ko ay dadanak na ang dugo. haha.. pero naawat naman. pero takot din umawat ung iba. meron daw kaming isang kasama, nang magkagulo eh gnawang human shield ung mga bata. hehehe.. joke lang po.. eto sya:




joke lang....



nakakatuwa kasi ang nanyari..









dahil sa tensyon, some requested na kumanta na.. at hndi kami nagkasundo sa lyrics ng kanta























sinimulan na ng facilitator ang programa.



















pagkatapos ng maikling mensahe, hinati namin sa maraming grupo ang mga tao..

at itong si venus, hndi alam kung saan sasama, sa babae ba o lalaki?



















hehe

we prayed for them after the short talk. marami sa kanila tulala at hndi rin alam anong ipapanalangin sa kanilang buhay. Personally, gusto kong pumasok sa loob ng utak at puso nila at malaman ang mga saloobin nila. pero wla na kaming panahon, kelangan naming umalis agad. isang magandang karanasan ang mapabilang sa ganitong outreach. gusto ko pang bumalik kahit medyo mapanganib sa buhay.

tinapos namin ang araw sa pagpapakain sa kanila ng nutritious lugaw and bread. kami rin kumain ng lugaw at nagshare ng mga kanya-kanyang experience at reflection. =)

Proud to be Kapuso.

Alam po natin na hindi magagawa ng GMA na mandaya. Dito po ako nagsimula at sumikat, hinangaan at kinabaliwan ng mga kababaihan.

Bren Peñalber po.
Proud to be Kapuso!

LOL.

All About Me.

January 29 News



This is a paid survey.

Got My First Adsense Earnings Today!


Today, I got my first payment from Google Adsense. Yahoo! hehe.. (google, hindi yahoo..) Tumataginting na $133.02.. Wow!


After about 2 years, nakita ko na ang bunga ng paghihirap. sa pagba-blog at pagagawa ng maraming websites. The past two months naging seryoso ako sa blogging.. bigla kc lumaki ang kita ko..


Nagsimula ang lahat sa Inspirasyon website (http://www.inspirasyon.co.nr/). Mahigit $50 ang naiambag ng site na un sa adsense earnings ko. Minimal amount naman ang galing sa ads na nilagay ko sa sulit.com.ph. Last November, nilaunch ko ang blog na Journal Entries, na malaki din ang kinita ko. At sympre dito sa Paglalakbay blog. Sa tulong na rin ng promotion ng Entrecard, Mybloglog and Blogcatalog, lalong nakilala ang Journal Entries sa blogosphere.(kilala nga ba?)


Last December, lagpas $100 na ang kinita ko. Gaya ng sinabi ko, 1st week of February ko makukuha. At narito na! Last Week pa available kaya lang hndi ko pa kinuha kc wala pang available government ID. Kahapon, pumila ako ng dalawang oras para makakuha ng isang government ID - ang NBI Clearance. Renewal, pero mabagal pa rin. =)


Kanina, paglabas ng office, derecho ako sa RCPI Harisson Plaza(Western Union) kung saan malapit lang ang workplace ko. Fill-out ng ilang forms. After about 20 minutes, ayun Cash na! Pinaencash ko na agad sa SM kahit mababa ang rate nila. Immaterial lang naman ang lugi.hehe.. tomorrow, treat ko ang ilang bloggers sa Folk Arts. hehe.. kung may chance ka, punta ka na rin.. haha..


If may ibang bloggers na nakakabasa nito, and u want to monetize ur blog, u can signup to Google Adsense. I'll be sharing more tips soon. Isang blogger akong kilala, after 2 months na naintroduce ko ang adsense sa kanya, nka-$101 na cya last January 31 at kukunin nia na sa Feb 26 un, God willing!


Balik ka ulit dito for more tips. God bless..

HTML Tutorial - Introduction


Ito ang umpisa sa series ng tutorial natin sa HTML. Ituturo ko muna ang mga basics…

Sa pag-uumpisa, i-define natin ano ang ibig sabihin ng HTML.

Ang HTML ay nangangahulugang Hyper Text Markup Language. Ang isang HTML File ay isang file na may mga markup tags. Ang mga markup tags na ito ang nagsasabi kung paano magdisplay ang isang pahina sa browser. Ang isang file ay na tulad nito ay dapat may htm o html na extension.

Ito ay pwedeng gawin kahit sa notepad lang. Subukan natin|. I-copy paste ang codes na makikita sa ibaba:


<html>

<head>

<title>Pamagat</title>

</head>

<body>

Ito ang pahina. <b>ito ay bold</b>

</body>

</html>




I-save ang file bilang “pahina.htm”. I-close ang file. Ngayon buksan mo nman. Magbubukas ito gamit ang iyong default na browser. Kung ayaw mag-open, pwedeng gamitin ang OPEN WITH option then click ang browser na preferred mo. Magcomment sa ibaba kung hindi nagdidisplay ng tama.







PALIWANAG:



Ang unang tag ay
<html>
. Ang ibig sabihin nito, dito nag-uumpisa ang iyong html file.
</html>
ang tag na nagsasabing katapusan na ng iyong html document. Ang text sa pagitan ng
 <head> at </head>,
ay ang iyong header information. Hndi ito nagdidisplay. Ang mga text sa loob ng
<title> at  </title>
ay ang caption text na magdidisplay sa title bar ng iyong browser.



Ang text na nasa gitna ng iyong <body> tags ay cyang magdidisplay sa
pahinang ginagawa. Ang text sa pgaitan ng tags na

<b> at </b
>
ay magdidisplay ng bold.




Magfofocus ang ating tutorial sa loob ng body tags. Pag-aaralan natin ang mga codes na pwedeng gamitin sa loob nito na pwedeng i-apply sa pagbigay ng comments o kahit ano sa mga social networking sites at maging sa blog na ito.. Magagamit naman kc ang mga to kahit saan.



Heto ang ilan sa mga tags na maaring pakinabangan.



Horizontal rule: <hr>



Ito background color :



<html>
<body bgcolor="blue"> Blue background
</body>
</html>


Subukang i-view ang codes sa itaas at magdidisplay ang blue
background.


Line break : <br>
Italic : <i>


Para sa mga image at links

Sundan ang halimabawa sa ibaba

<a href="http://www.halimbawa.com/">Ito ay Link</a>

to ay link ang magdidisplay na text. Samantalang ang URL na nka close
sa quotation ay syang website na destination pag kinlick ang text




<img src="URL">


Ito naman ay kung gusto mo magdisplay ang isang image na may web location.
Halimbawa ay kung ang isang picture ay nka store sa photobucket. Usually nman ika-copy paste mo nalang ang code na galing sa website na un. Kaya hndi gaanong problema. Basta mahalaga malaman mo lang ang ginagamit na tag ay
<img src>


Ito sa font. Subukan mong pag-aralan at paglaruan ang codes sa ibaba.

<font size="3" color="red">
This is some text!
</font>
<font size="1" color="blue">
This is some text!
</font>
<font face="arial" color="red">
This is some text!
</font>


Cguro, ito muna for now..
Comment lang kung may mga questions pa at bibigyan natin
katugunan sa susunod na post natin..
If you are reading this page on multiply.com,
pwede mo visit ang source ng blog na to sa http://paglakbay.blogspot.com

Hanggang sa muli..

Let's sing "Mighty To Save" in Spanish

Let's sing "Mighty To Save" in Spanish

http://paglakbay.blogspot.com







Dios Puede Salvar

Todos necesitan,
amor que nunca falla,
Tu gracia y compasión,
Todos necesitan,
perdón y esperanza,
de un Dios que salva

Cristo, puede mover montes,
Solo Dios puede salvar,
Mi Dios puede salvar,
Por siempre, autor de salvación,
Jesús la muerte venció,
Él la muerte venció

Aun con mis temores,
Sé que me aceptas,
Lléname otra vez,
Mi vida entera ofrezco,
Para seguir tus pasos,
A ti me rindo...

En la tierra, tu luz brillará, Cantamos,
por la gloria, De tu majestad, Jesús