HTML Tutorial - Introduction
Ito ang umpisa sa series ng tutorial natin sa HTML. Ituturo ko muna ang mga basics…
Sa pag-uumpisa, i-define natin ano ang ibig sabihin ng HTML.
Ang HTML ay nangangahulugang Hyper Text Markup Language. Ang isang HTML File ay isang file na may mga markup tags. Ang mga markup tags na ito ang nagsasabi kung paano magdisplay ang isang pahina sa browser. Ang isang file ay na tulad nito ay dapat may htm o html na extension.
Ito ay pwedeng gawin kahit sa notepad lang. Subukan natin|. I-copy paste ang codes na makikita sa ibaba:
<html>
<head>
<title>Pamagat</title>
</head>
<body>
Ito ang pahina. <b>ito ay bold</b>
</body>
</html>
I-save ang file bilang “pahina.htm”. I-close ang file. Ngayon buksan mo nman. Magbubukas ito gamit ang iyong default na browser. Kung ayaw mag-open, pwedeng gamitin ang OPEN WITH option then click ang browser na preferred mo. Magcomment sa ibaba kung hindi nagdidisplay ng tama.
PALIWANAG:
Ang unang tag ay
<html>. Ang ibig sabihin nito, dito nag-uumpisa ang iyong html file.
</html>
ang tag na nagsasabing katapusan na ng iyong html document. Ang text sa pagitan ng <head> at </head>,
ay ang iyong header information. Hndi ito nagdidisplay. Ang mga text sa loob ng <title> at </title>ay ang caption text na magdidisplay sa title bar ng iyong browser.
Ang text na nasa gitna ng iyong <body> tags ay cyang magdidisplay sa
pahinang ginagawa. Ang text sa pgaitan ng tags na
<b> at </b>
ay magdidisplay ng bold.
Magfofocus ang ating tutorial sa loob ng body tags. Pag-aaralan natin ang mga codes na pwedeng gamitin sa loob nito na pwedeng i-apply sa pagbigay ng comments o kahit ano sa mga social networking sites at maging sa blog na ito.. Magagamit naman kc ang mga to kahit saan.
Heto ang ilan sa mga tags na maaring pakinabangan.
Horizontal rule: <hr>
Ito background color :
<html>
<body bgcolor="blue"> Blue background
</body>
</html>
Subukang i-view ang codes sa itaas at magdidisplay ang blue
background.
Line break : <br>
Italic : <i>
Para sa mga image at links
Sundan ang halimabawa sa ibaba
<a href="http://www.halimbawa.com/">Ito ay Link</a>
to ay link ang magdidisplay na text. Samantalang ang URL na nka close
sa quotation ay syang website na destination pag kinlick ang text<img src="URL">
Ito naman ay kung gusto mo magdisplay ang isang image na may web location.
Halimbawa ay kung ang isang picture ay nka store sa photobucket. Usually nman ika-copy paste mo nalang ang code na galing sa website na un. Kaya hndi gaanong problema. Basta mahalaga malaman mo lang ang ginagamit na tag ay <img src>
Ito sa font. Subukan mong pag-aralan at paglaruan ang codes sa ibaba.
<font size="3" color="red">
This is some text!
</font>
<font size="1" color="blue">
This is some text!
</font>
<font face="arial" color="red">
This is some text!
</font>
Cguro, ito muna for now..
Comment lang kung may mga questions pa at bibigyan natin
katugunan sa susunod na post natin..
If you are reading this page on multiply.com,
pwede mo visit ang source ng blog na to sa http://paglakbay.blogspot.com
Hanggang sa muli..
Mag-post ng isang Komento