YAMAN Feeds with Lugaw Patrol
Masayang paglalakbay sa gilid ng Aliw Theater. At pambihira.
Simulan ko na ang kwento. Nakalimutan ko ang date pero sometime last month yun. Inumpisahan namin ng panalangin ang outreach. Mula sa kusina ng Folk Arts, idinalangin namin ang misyong gagawin sa hapong yaon. Hinati kami sa dalawang grupo. napabilang ako sa grupong magpapakain sa mga bata at hndi na bata sa gilid ng Aliw Theater.
picture picture muna bago umalis
Masayang sinalubong kami ng mga beneficiaries. At nakakagulat. May nagwawala. Gustong ipahubad ng isang mama ang damit ng isang kasama dahil lang taga Day by Day kami at ang suot niang tshirt ay sa ibang church. Ang sabi namin, ok lang nman na suot nia yun. walang problema.
pero nagkainitan sila. nagbunutan ng ice-pick, nagtutukan. ang buong akala ko ay dadanak na ang dugo. haha.. pero naawat naman. pero takot din umawat ung iba. meron daw kaming isang kasama, nang magkagulo eh gnawang human shield ung mga bata. hehehe.. joke lang po.. eto sya:
joke lang....
nakakatuwa kasi ang nanyari..
dahil sa tensyon, some requested na kumanta na.. at hndi kami nagkasundo sa lyrics ng kanta
sinimulan na ng facilitator ang programa.
pagkatapos ng maikling mensahe, hinati namin sa maraming grupo ang mga tao..
at itong si venus, hndi alam kung saan sasama, sa babae ba o lalaki?
hehe
we prayed for them after the short talk. marami sa kanila tulala at hndi rin alam anong ipapanalangin sa kanilang buhay. Personally, gusto kong pumasok sa loob ng utak at puso nila at malaman ang mga saloobin nila. pero wla na kaming panahon, kelangan naming umalis agad. isang magandang karanasan ang mapabilang sa ganitong outreach. gusto ko pang bumalik kahit medyo mapanganib sa buhay.
tinapos namin ang araw sa pagpapakain sa kanila ng nutritious lugaw and bread. kami rin kumain ng lugaw at nagshare ng mga kanya-kanyang experience at reflection. =)